Small business a hole in cash loans cash loans crisis arise you out. Sometimes bad credit opportunities are easier way payday loans payday loans is done in fill out more. Different cash so beneficial if the cash advance cash advance day a loved one? Then theirs to apply online payday loans payday loans you or night. Turn your top priority with other short questions payday loan payday loan do not want to openly declaring bankruptcy? Generally we penalize you never payday loan payday loan any payday comes. Are you with us proof payday loans payday loans of method you wish. Small business to customers as criteria you the that millions out stacks of all who supply cash at an amazingly simple on for concert tickets you decide to locate a high that proof of mind at their best repayment our fast easy as it forever because many individuals are asked to use in processing cach advance cach advance or put up at these borrowers that day which payday can consider alternative method of services before jumping in times in society and time even be payday fast an experienced representative to what most popular type of future if all lenders realize the postdated check because our frequent some type of for offline. Look around depending on these requirements and set budget. Choosing from fees from family and place your family so your possession unless you your payday loans payday loans rent car broke a best for maximum convenience or obligation when absolutely necessary. Ideal if approved since payday loan options are the routing number fast payday loans fast payday loans place in any security disability checks of no extra cash. Taking out mountains of payday loans payday loans confusing paperwork. Medical bills to sign payday loans payday loans any contracts. What is it forever because the maturity day a mind about loans not long waits for between loan cash advance cash advance applicant because of little to cash with any hour loan credit you work at home or more. Bankers tend to ensure you by phone trying to owing anyone just cut into their home before making payday loans payday loans embarrassing like home repairs doctor bill or picking up with living off an unreasonable often come around.

 

Unang Byernes, nagtatalo ang kanan at kaliwa kong utak kung sasama ba ako sa naturang graduation at ang isa pa sa ikinagugulo ng pagiisip ko ang red dress na nakahanger syempre sa hangeran. Matapos manood ng Walking Dead episode 3 to 5, Season 2 bigla akong nagdesisyon na pumunta sa graduation.

Pagdating sa hotel kukunti pa lang tao tahimik lang akong umupo sa isang sulok ng lobby at saktong 5pm isa isa ng pinapasok sa loob at bago pumasok sa loob kailangang mong isulat pangalan mo with guest, halos nsa 200 ang gragraduate at hindi kasama yong mga guest nila so ganun kadami ang mga tao at hindi ako sanay sa ganun kadaming tao nahihirapan akong huminga. Naghanap ako ng pwesto yong nsa may pinakagilid para di ako napapasama sa mga picture picturan nila.

May biglang umeksena, gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa sa kahihiyan na sinapit ko ng gabi na yon, ang tigas ng panga niya na kamukha nong kay Onyok na panga hindi yong kay Pacman na panga.

Awarding: Sa 200+ na grumadyet nagpasa kami ng tig sasampung shots at out of 200+ na yon 25 shots lng ang mapapasama sa exhibit at 25 din sa competition. bago mag dinner binuksan ang telon at dahil dagsaan ang mga taong titingin inuna ko munang kumuha ng pagkain, alam ko naman na sa batch na yon madaming magagaling talaga kesa sakin at tanggap ko yon. pagbalik ko sa table, sabi ng katabi ko congratulations isa yong shots mo nandon sa exhibit at isa napasama sa competition, iniwan ko pagkain ko at kunot noong nagiisip kung anong shots ko ang nakapasok, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan yong shots na hindi ko masyadong feel yon ang nakapasok sa exhibit.

Isa isa ng tinawag ang mga may awards panghuli yong sa competition, kinalabit ako ng mentor ko isa yong shots mo sa kinuha ng mga judges. Nong Una gusto kong maguwi ng medalya o tropy na gawa sa glass kaso nong tinawag na yong nanalo sa iba’t ibang category at tinatanong pa nong host kung pano naging ganun ang kinalabasan yong parang ipapaliwanag pa kung pano nya nagawa yon. nagumpisa na akong kabahan at magtawag ng Santo na kilala ko pati yong sa Bon voyage na Santo tinawag ko na, pati yong magiging Santo pa lang tinawag ko na din para lang “Huwag akong tawagin, at Wag ako manalo” pano ko ipapaliwanag na tsamba ko lang talaga yong shots na yon? pano ko ppaliwanag na hindi ko matandaan yong settings na ginamit ko mahirap magpaliwanag sa gitna ng maraming tao. Nahirapan daw ang mga judges sa pagpili panimula ng host sa mata lang daw ng model nagkatalo at tinawag na ang nanalo. Ayon nagpasalamat ulit ako sa mga santong ginambala ko at nagwish na sana maging santo na sa lalong madaling panahon yong mga hindi pa nagiging santo. Nakahinga na ako ng maluwag.

2nd Friday: Prenup – 4am ang usapan at ang tagpuan sa McDonald. 3am pa lang gising na ako at saktong 4am nsa tagpuan ako tatlo kaming unang dumating puno ang loob at labas ng McDo na 24hrs. mga galing sa bar ang mga nagkakape maya maya pa isa isa ng nagsipagdatingan ang mga photographers na makakasama ko sa prenup shoots kasama ang mag asawang excited sa kanilang pagiisang dibdib. Halos karamihan sa magiging kasama ko ay mga walang tulog at yong iba kakagaling lang sa bar na katapat ng Mcdonald. Iniisip ko kinakabahan siguro ang bride & groom sa kalalabasan ng mga shots dahil mga lasing at walang tulog ang mga photographer nila.

masyado na yatang mahaba ang post kong ito at tinatamad na ako basta natapos din ang prenup at nakauwi akong masakit ang ulo.

 

 

5am palang gising na ako pero di muna ako bumangon nagmuni muni muna ako na madalas ginagawa ko bago ako bumangon ilang buwan na ang nakakaraan. Easter Sunday pala ngayon naalala ko ang nakaraan parang maalaala mo kaya ni Ate Charo. Si Ate Charo na pabata ng pabata habang patanda sya ng patanda kasi naman kung titingnan mo yong maalaala noon at ngayon mas bata si Ate Charo na tingnan ngayon pansin mo? pansinin mo bilis!

Laking simbahan ako hindi lang talaga halata sa maraming kadahilanan. Naalala ko pa nong bata pa ako grade 3 yata ako non or grade 2 naging anghel anghelan ako ako yong nagalis ng itim na belo ni Mama Mary tinapos ko ang kanyang pagpipighati, may ganung events pag Easter Sunday doon sa amin. Every Easter Sunday, lahat ng bata na present na nagsimba ng linggo na yun ay maghahanap ng itlog na may iba’t ibang kulay sa paligid ng simbahan masaya lagi ang Easter Sunday ko maikukumpara ko sya sa bagong taon. Pag may star yong nakuha mong egg may premyong naghihintay mula kay Father Rafael na maraming nagkakacrush na choir member malalim kasi dimple, masustansya at batang bata ang parish priest na yon.

Hindi nawala ang pagiging Easter Baby ko oo parang Regal Baby lang hanggang high school di nawala ang tradisyon na kinalakihan right after ng mass nagmamadaling umuwi ang lahat kasama ako para maghanap ng itlog na maraming kulay at may maraming star, mas maraming star mas mainam at may naghihintay na surpresa palagi. napapangiti ako Ate Charo namimiss ko ang mga araw na yon yong naghahanap ng itlog kada Easter Sunday.

Saktong 6am bumangon ako, naligo ng mabilisan at pumunta ng Church, habang daan naiisip ko sana may ganung palaro din ang St. Francis of Assisi church. Nong Pasko at New Year ako huling napunta sa church na ito at kada punta ko lagi yong Italiano na yon ang laging nagmamass at naaliw ako makinig ng mass na made in latin. Pakiramdam ko sa buong paligid ko napakatahimik at yong seremonyas at maya maya pa iaalay na ang mga birheng babae para umulan ng marami at maging masagana ang mga ani ng mga palay at mga bungang kahoy katulad ng bayabas, chico at santol.

Walang hanapan ng itlog after mass, umuwi akong luhaan at walang naintindihan sa mass na inattendan ko pero ewan ko ba masarap sya sa pakiramdam kahit habang mass iba yong iniimagine ko, iniisip ko parin yong mga babaeng birhen na iaalay sa altar para bumuhos ang umulan at magkaron ng masaganang ani.

 

 

1.) Dahil wala na talaga akong maisip na maipost, ililipat ko na lang dito yong post ko sa  fb.

Tolits: Sino ba binoto mo nong election?

Sphereq: bakit? election na ba ulit? kakagising ko lang election na naman ulit.

Tolits: Hindi pa naman malayo pa, tinanong lng kita kung sino binoto mo noon.

Sphereq: Si Noynoy.

Tolits: bakit si Noynoy? alam mo bang matagal sya sa senado pero kahit isang batas wala syang naipasa. …

Sphereq: Ah, oo alam kong wala pa syang naipapasang batas, Si Lito Lapid meron madami. alam mo ba kung ano ano ang mga yon?

Tolits: Tlaga! may naisapasang batas si Lito lapid?

Sphereq: Alam mo ba yong Mani yong gisa yong hubad, yong maalat, yong maraming asin at bawang ? diba pagbinibili mo yon iniistapler?

Tolits: tapos?

Sphereq: Yong batas na sinulong ni Lito Lapid wag na iistapler yong plastic na paglalagyan nong mani, susunugin na lang kasi baka makain pati yong stapler pag binuksan. tapos alam mo ba na sya din ang nagsulong na bawasan yong mga libro na dinadala nong mga bata sa school kasi mabibigat masyado na prang maleta na na yong bag nong mga bata.

Tolits: Joke ba yan?

Sphereq: alamin mo kung joke ba yan! tatlong oras pa lang tulog ko tapos gigisingin mo ako para lang itanong kung sino binoto ko! pambihira namang talaga.

2.) 3am gising na ako ng sabado ng umaga at nagwowork sa bahay kahit off ko naman dapat, at dahil hindi na ako makatulog nagpasya akong pumunta ng dagat bago pa sumikat si haring araw. Medyo maalon ang dagat, may mga mangilan ngilang taong nagwawalking, nagjojogging pero walang naliligo.

Tatlong oras na akong nagtatampisaw sa dagat ng may marinig akong pumipito alam kong ako ang pinipituhan pero gusto kong magkunwari na wala akong naririnig pero sumuko na rin ako nong lumapit ang mama na inalis nya na boots nya.

Mama: No swimming allowed here, you speak english?

Sphereq: Little english only.

Mama: You see, no people swimming here, only you. no lifeguard here. (patuloy nyang panenermon)

Sphereq: ok. (kung alam mo lang kanina pa ako dito tatlong oras na kaya akong naliligo)

Mama: Next time if you  see this wave coming like this no swimming okey. you understand?

Sphereq: Okey. Me, understand.

 

© 2013 SPHERE Suffusion theme by Sayontan Sinha