Small business a hole in cash loans cash loans crisis arise you out. Sometimes bad credit opportunities are easier way payday loans payday loans is done in fill out more. Different cash so beneficial if the cash advance cash advance day a loved one? Then theirs to apply online payday loans payday loans you or night. Turn your top priority with other short questions payday loan payday loan do not want to openly declaring bankruptcy? Generally we penalize you never payday loan payday loan any payday comes. Are you with us proof payday loans payday loans of method you wish. Small business to customers as criteria you the that millions out stacks of all who supply cash at an amazingly simple on for concert tickets you decide to locate a high that proof of mind at their best repayment our fast easy as it forever because many individuals are asked to use in processing cach advance cach advance or put up at these borrowers that day which payday can consider alternative method of services before jumping in times in society and time even be payday fast an experienced representative to what most popular type of future if all lenders realize the postdated check because our frequent some type of for offline. Look around depending on these requirements and set budget. Choosing from fees from family and place your family so your possession unless you your payday loans payday loans rent car broke a best for maximum convenience or obligation when absolutely necessary. Ideal if approved since payday loan options are the routing number fast payday loans fast payday loans place in any security disability checks of no extra cash. Taking out mountains of payday loans payday loans confusing paperwork. Medical bills to sign payday loans payday loans any contracts. What is it forever because the maturity day a mind about loans not long waits for between loan cash advance cash advance applicant because of little to cash with any hour loan credit you work at home or more. Bankers tend to ensure you by phone trying to owing anyone just cut into their home before making payday loans payday loans embarrassing like home repairs doctor bill or picking up with living off an unreasonable often come around.

 

Tapos na ang magkakaparehas na date tulad ng 10-10-10, 11-11-11 at 12-12-12. 2013 na year of the water snake. Hindi lang sa gubat matatagpuan ang ahas pati na din sa tubig at mas malupet dahil color green mas makamandag. Hindi ako sigurado kung sa taong 2013 ay mauuso ang ahasan hissss! Sa mga Chinese, year of the black snake pero ang color ng 2013 ay emerald green napakakomplikado kung iisipin pero wag na lang natin isipin para masaya at maginhawa ang papasok na taon.

Natapos ang taon na hindi parin nahuhulaan ng mga henyo kung sino ang pumatay talaga at nagpapatay ng 58 na katao sa Maguindanao massacre or mas kilala sa tawag na Ampatuan massacre wala silang nakuhang clue kung ang mga Ampatuan talaga ang master mind kaya itinago na lang nila sa tawag na Ampatuan massacre.

Natapos ang taon na single parin ang presidente ng Pilipinas dahil kay Kris Aquino.

Natapos ang taon na kahit minsan diko sinubukang sayawin ang Oppa Gangnam Style. Justin Bieber forever!

Natapos ang taon na dalawang beses natalo si Manny Pacquiao dahil sa hula ni Mommy D na hindi nya suot ang rosario tuwing laban nya. tatakbo sa pag ka Gobernador si Jinkie Pacquiao ngayon 2013. Hindi makaiyak ng husto si Jinkie nong maknock out ang pambansang kamao dahil bago syang facelift bawal mabanat at hindi nya alam kung sino talaga ang mukhang gagayahin nya si Kristine Hermosa ba o yong kakambal nya. napagalitan ni Manny Pacquiao si Mommy D nong sinabi nya sa live sa TV ang hula nya na hindi pagsuot ng Pambansang kamao ng rosario. (nagkagulo gulo na)

Naalala ko lang, umalis at nagtago si Panfilo Lacson sa Pilipinas tapos bumalik ng parang wala lang. Nasa senado parin sya at madalas nakikititig kay Miriam at Lito Lapid.

Namatay si Dolphy at naiyak ako don sa eksena na niyakap ng matagal ni Zsazsa Padilla ang kabaong nya. Bukod kay Piolo Pascual malakas ang kutob ko na beki rin si Eric Quizon.

Pataba ng pataba si Jessica Soho at pabata ng pabata si Ate Charo. Si Arn-arn na puppet anak ni Arnold Clavio sa labas.

Natapos ang taon na nakabakasyon ako ng isang linggo dahil sa manaka nakang pagtibok ng puso ko ng wala sa oras. sabi pa ng doctor na ininjekan ako ng malupit na pangpahina o sabihin na nating pangkalma daw ng nagwawala kong heartbeat baka daw ang mahina kong puso at maging sakit na sa puso pag hindi ako umayos ngayong 2013.

Bumalik si Nora Aunor sa showbiz na labis na ikinagalak ng Nanay ko. Napanood nya na ang Thy Womb at sabi ni John inom daw ng inom si Nanay ng tubig at naiiyak paminsan minsan at dalawang beses nilang pinanood sa loob ng isang araw.

Sabi ni Sarah Lahbati sa binabasa ko ngayong showbiz news, ninerbyos daw sya kasi hindi nya raw talaga akalain na magkakaron sya ng sexy role nong tinanggap nya ang movie na ang title ay Seduction.

Natapos ang taoN na marami ang naghahanap ng mga sarili nila at ipopost sa fb ang “hahanapin ko sarili ko” tapos after 5mins magpopost ng “finally”  Natapos ang taon na sobrang laki ang naitulong ng facebook sa mga taong malungkot at mga masayahing tao. Naging takbuhan ang fb ng mga lalakeng nakakuha ng matamis na oo at naging takbuhan din ang facebook ng mga babaeng hindi tinitext ng mga sinisinta nila ng may “mwahtsups” sa dulo.

at higit sa lahat…

Natapos ang taon na hindi ako natakot maging masaya.

HAPPY 2013 SA LAHAT!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naabutan kong busy sa pagbabake yong Engineer na kasama ko sa bahay bukod sa pricetag na favorite nyang ihumm habang nagbabake, payphone naman ngayon ang binabanatan nyang ihumm. Henry, may ticket ako ni Enrique Iglesias gusto mo? nakita kong kumislap ang mga mata nya ng mahigit kumulang 55seconds kada ektarya at kung may buntot sya malamang nagwiwiggle ng mga oras na yon. binawi nya ang mga nagkikislapang mga mata ng mapansin nyang nakangiti ako sa kanya sabay sabing “naku ayaw ko baka mga beki lang ang manonood don at mapagkamalan pa ako”

Sa madaling salita nanood ako ng concert ni Papa Enrique inisip ko na lang na parang manonood ako ng sine. First time ko manonood ng concert magisa at wala akong idea kung paano. Sa parking palang pahirapan na at karamihan mga KSA naguumpisa ang mga plate number alam na! para akong aattend ng JS prom pagandahan ng dress at paiksian ng pekpek short at paitiman ng pilik mata. Ang mga lalake naman fit na jeans at V neck na shirt at polo shirt na nakaunbutton hanggang gitna litaw ang dibdib na madaming buhok.

7pm ang bukas ng gate pero 6:30 palang nakapila na ako nasa unahang bahagi ako ng gate. 8pm nagbukas ang gate at naiinis na ako. Pagpasok ko nilagyan kagad ako ng tag tapos nong malapit na ako sa may pintuan hinarang ulit ako at pinapila sa Age verified na line napagkamalan akong below 21 kahit pa nga malaki ang boobs nong katabi ko pinapila parin ako. Gutom na gutom na ako ate charo pagpasok na pagpasok ko sa loob bumabaha ng alak mas mahal ang tubig kesa sa beer. bumili ako dalawang beef shawarma pansin ko lang wala talaga akong kasosyal sosyal sa katawan naiisip ko nong kumakain ako ng shawarma bakit hindi chicken/tuna sandwich o salad naisipan kong bilhin bakit shawarma pero huli na ang lahat sa palagay ko. dalawang beef shawarma, 1 tubig at 1 baso ng beer na may yelo ang bitbit ko habang naghahanap ng mauupuan.

Hindi astig manood ng concert magisa, nakakalungkot at nakakainip wala kang kakwentuhan gusto ko mang magshots pinagbawal naman ang dslr yong phone ko naman pangit ang camera madilim saka magulo at maingay. Habang nagmamasid ako sa paligid gusto ko magblog. alas nueve na wala parin si papa enrique nagwawala na ang mga tao sa dance floor ang mga babae hawak sa kaliwang kamay ang shoes na may mga takong at sa kabilang kamay naman ay alak at ang mga lalakeng katutubo naman nakahawak sa bewang nong mga babaeng may hawak na alak at shoes. ayus ba ang pagsasalarawan ko?

Malapit ko ng maubos ang isang basong beer wala parin si Papa Enrique, hindi ako pumunta dito sa concert nato para makipag party lasing na halos lahat ng tao at ilang beses ring pinatugtog ang Opa Gangnam style sigaw ng DJ 300thousand of people be ready for opa gangnam style for guiness book of record! akala ko tatayo ako para makiopa gangnamn din pero napigilan ko sarili ko, pinigilan ako ng katinuan kong nanahimik sa isang sulok ng mga pangarap. Alas dyes na naiinis na ako padami ng padami ang mga naka V neck na mga lalake. Alas 11 ng lumabas si Papa Enrique naka black V neck na t shirt at jeans lang sya simpleng simple. Sasabihin kong si Papa Enrique ang pinakagwapong nabubuhay na lalake sa buong mundo na nakita ko. natulala ako kahit nagtatalo ang isipan ko sabay inom sa natitirang beer sa baso. hindi maganda ang boses nya pag naglilive pero okey na rin gwapo naman sya. Okay lang din manood ng concert magisa di ka naman mukhang loser masaya din naman.

Papa Enrique

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Age Verified

 

 

 

 

 

 

 

 

2am na ako nakauwi ng bahay at dahil nakaprogram na sa utak ko na pupunta ako sa Abu dhabi kinabukasan gumising ako ng 5am ang plan ko 8am sa corniche ako magbrebreakfast tapos pupunta ng grand mosque hanggang 12nn tapos pupunta ng car museum tapos pagbalik babalik ulit ng grand mosque para magpicture ulit dahil maganda ang lights ng mosque pag pahapon na or yong pagabi na kaso hindi yan ang nangyari.

9am na ako nakarating ng Abu Dhabi sarado pa naghintay pa ako ng ilang minutes nagpicture picture na ako at inabot ako ng mga 11:30 tapos nagumpisa na akong magtanong tanong kung saan ang tamang way papunta sa car museum at dito na nagsimula ang aking kalbaryo.

Sphereq: My friend, you know car museum?

Mama: aywa! go to dhahaba just il al-amam straight straight no lif yameen just straight then lif yasaar!

3hours na akong nagdridrive habang patuloy akong inaasar ng guns n roses ng Where do we go now? Where do we go? Oh, (sweet child) Where do we go now?

Sphereq: Japs, andito ako sa Liwa Oasis Road pakitingnan nga sa location kung malapit na ako sa car museum para kasing ang layo layo ko na wala na akong mapagtanungan dito eh yong RTA naman di ko maintindihan eh lalo akong naliligaw.

Japs: naku boi, malapit kana sa Saudi kunting usog na lang. bumalik kana bago ka pa maabutan ng dilim sa daan.

Hindi ako masaya. palpak lahat. kasalanan ko, akala ko kasi madali na lang pag nandon na ako hindi pala ganun yon pawis na pawis ako at pagod na pagod. Nawalan na ako ng gana, umuwi na ako pagdating ko sa bahay tiningnan ko sa net ang location ng car museum nandon lang sya kung saan ako nagpaikot ikot ng tatlong oras.

kinabukasan… alam na alam kong paparating to nararamdaman ko. nilalagnat ako. malupet yong lagnat ko 39 kada patak sinisisi ko talaga yong Liwa Oasis Road na yon kung hindi dahil sa road na yon wala sana akong lagnat ngayon.

gusto kong magkwento ng makulit pa pero tinatamad na ako.

grand mosque

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Madali mo daw makikilala ang isang babae kahit simpleng laman lang ng bag nito. madali mong mahulaan kung ano ang favorite color nya. halimbawa red orange ang bag nya pwede mong sabihin na red orange ang favorite color nya pero kung gusto mong kaconfirm tingnan mo ang loob ng bag nya kung ang face powder nya ay red orange, suklay nya ay red orange, ang case ng telepono ay red orange at ang lipstick nya ay red orange at ang buhok ay dilaw so malamang nga favorite nyang color ay dalawa red orange at yellow at malamang sa malamang evry 5minutes nagpapaalam sya sayo para pumunta ng washroom para gamitin nya ang mga red orange na laman ng bag nya.

pero kung ang laman ng bag mo ay ganito – pano mo maipapaliwanag ng maayos ang lahat baka mapagkamalan ka pang shoplifter at adik.

lamang loob 2011

 

 

 

lamang loob 2012

Sa loob ng isang taon may nabago naman sa loob ng bag ko pero hindi nawala ang mga gamot at sa tingin ko naman nabawasan ng mga papel at nadagdagan ng mga pagkain teka ipapaliwanag ko lang ulit ang alam ng bago ko isa isahin natin yong last year at yong ngayong taon.

meds 2011

meds 2012

 

 

 

 

 

 

 

2011 meds – Vitamin C, E and Magnesium & Zinc + Excedrin + celestamine+2 ointment para sa lips kung gulagulanit+ versace . hindi naman ako takot magkasakit pero ayaw na ayaw kong nagkakasakit ako pakiramdam ang lungkot lungkot ng buhay na gusto mong kumain ng lugaw pero hindi ka makakain kasi walng magluluto para sayo at kung susubukan mo man nahihilo ka pag tatayo kana parang ang loser lang ng pakiramdam. 2012 meds – Actifed syrup para sa cough & cold kasalukuyang may sipon at ubo ako ngayon + multivitamins from A-Z pero may nakahiwalay parin akong vitamin C & E minsan na lang din ako magtake ng magnesium na hanggang ngayon hindi ko alam kung para saan yon nireseta lang sakin nong doctor yon noon + celestamine hindi ako pwedeng mawalan nito mawala na lahat wag lang yan. Dior at rejuvi para ulit sa lips kong gulagulanit at pigeon baby lotion/cologne amoy baby talaga ang amoy nya at mas mura kesa don sa versace pero mas swabe ang amoy mas astig ang amoy baby parang bagong silang na amoy hahaha

musik at iba 2011

 

 

 

 

 

 

musik 2012

 

 

 

Last year naadik ako sa sudoku, word ladder, word wheel at kung ano ano pa na logic puzzles + yong mga libro ni Mitch Albom  + naguuwi ako ng trabaho + may CD ako ni Shania Twain, Princess, Britney Spears madalas si Britney pinapakinggan ko sa sasakyan pangpagising wala lang talaga akong chance na makabili nong kay Justin Beiber malamang magandang pangpagising din yon lalo na pag long drive ka haha pero ngayon iba na laman ng bag ko yong mga mini CD’s na yan malulupet ang laman ng music nyan mga pangpatalino basta pangpatalino tulad ng Mital na mini CD yan ang pinakafavorite ko kasi ang laman nyan mital talaga tulad ng slapshock, razorback, radioactive sago project, wolfgang at quezo na dating cheese. yong Chill out naman mga greatest hits ng Beatles astig din yon.

baon 2011

 

 

 

 

baon 2012

Last year nahilig ako sa chocolate drinks, pinagbawal kasi sakin noon ang uminom ng kape at chocolate drinks ang napagdiskitahan ko. nahilig din ako sa chitchiria si Mr. Chippy at si Doritos tapos pabayaan nyo akong ipaliwanag ko ulit kung bakit may mama sita sa bag ko last year ganito kasi yan pag dumadaan ako sa mga grocery pag ilang piraso lang binibili ko nilalagay ko sa bag kasi pag bitbit ko yan malamang sa malamang pagkabayad ko sa casher at matapos kunin ang sukli iiwanan ko na sya kaya dapat ilagay ko sya sa bag for safety kaya nasa bag ko sya ng mahigit 2weeks na nakalimutan kong may binili pala akong mama sita palabok at kare kare flavor. Ngayong taon naman nahilig ako sa nuts, lalo na yong almonds, macademia at yong honey roasted na mani. nagiba rin ako ng brand ng yughort kung dati mga berries ngayon apple & kiwi na tapos hindi na ako bumibili ng Mr. Chippy ewan ko pero gusto ko pa rin naman sya di ko lang siguro sya nakikita kaya nakakalimutan kong bumili.

work related 2011

 

 

 

 

work related 2012

 

laman ng bag 2012

 

 

 

 

 

 

 

Ibang iba yong laman ng bag ko last year sa laman ngayon wala nawala na yong working laptop ko kasi hindi na ako naguuwi ng trabaho sa bahay yon ang good news dahil mabigat ang laptop may extra hanes tshirt pa din naman ako sa bag ko pero nasuot ko na kahapon kaya wala na sa bag ko tapos yong wallet ko na nasa sasakyan nakalimutan kong ilagay sa bag tapos ngayong taon pabayaan nyo akong ipaliwanag kung bakit may martilyo at iba pa sa bag ko. last month nasira yong shoe rack ko tapos nanghiram ako sa karpintero namin tapos hindi ko na sya makita ngayon para isoli ko sana pero baka nakabakasyon sya kaya diko sya makita. Yong Fossil na wallet binili ko last friday diko pa naaalis sa bag ko para yan don sa isang tao na naging mabait sakin sa loob ng mahigit isang taon lalamanan ko ng mga coins at dollars tapos lalagyan ko ng picture ko with all cast ng looney tunes sa background para masaya tapos sa kabilang page nong wallet lalagyan ko ng studio picture blue background naman.

nga pala alam kong nagtataka kayo kung ano ang gamit kong bag ito sya:

mahiwagang bag January 2011 - 2012

 

 

 

 

 

 

 

Matibay ang bag na yan, gawa sya sa mangga ayun don sa tatak, makapal at walang kaarte arte sa katawan ang bag na yan maasahan mo pwedeng magkasya jan malamang ang isang tao kung paghihiwa hiwalayin mo kasyang kasya estima ko lang at kung makikipagtanan ka pwede rin kasya lahat ng damit at accessories mo.

next year bigla na lang akong magchecheck ulit ng bag titingnan ko kung ano ang peg ko last year at sa kasalukuyang taon.

lamang loob 2011

 

 

…hanggang ngayon iniisip ko parin kung tama ba o napalaki ba talaga kita ng maayos – Nanay

Oo, tama ka ng iniisip may pagduda sa isip ni Nanay kung napalaki nya ba ako ng maayos. Gusto ko magtampo kasi sa tingin ko naman maayos naman akong lumaki (lumaki nga ba hahaha) matagal akong nakatitig don sa message na yon ni Nanay wala akong maisip na ireply, nagdududa sya sa sarili nya so ibig sabihin hindi ako perfect na anak para sa kanya shaks na yan talaga ano pa ba ang gusto nyang patunayan ko lahat na ginawa ko. sinunod ko naman lahat ah, lahat ng utos nya sinunod ko tulad ng wag isasama ang mga underwear sa washing machine pag maglalaba, kumain lang pag gutom para di lumaki ang tiyan, maglagay ng glycerin cream sa paa at kamay bago matulog, uminom ng vitamin E at C, wag kang pakalat kalat kung sa isang product dapat ikaw yong mahirap hanapin, wag iinom ng alak pag may lalakeng kainuman, wag magpapabola at higit sa lahat ingatan ang hymen.

Kung isa kang blogger na nakilala ko nong naguumpisa pa lang akong magblog malamang kilalang kilala mo na si Nanay ko at malamang sa mga message mo sakin itatanong mo ang “ikamusta mo ako kay Nanay ha” o kaya naman “kamusta kay Nanay ha’ at malamang sa malamang imbitado ka kung pipili man ako ng Avengers para ipagtanggol ang nagiisang Nanay na ubod ng praning at hindi ko naman masasabing malas ako pero parang ganun kasi magisa akong anak wala akong kahati pag napagtritripan ako ni Nanay solong solo ko. minsan naiisip ko sana kapatid ko na lang si Roland yong nagmamayari ng http://wanderingPiscean.com para sana kahit papano hindi ko nasosolo ang lahat pero sige isama ko na din si Pongkie para balance naiimagine kung gaano magiging kagulo ang pamilya namin pagnagkataon.

Uulitin ko lang ng mabilisan ang kwento ko tungkol kay Nanay, Si Nanay lang naman ang nagsahog ng ginayat na libro sa unang breakfast ko nong unang pasok ako ng school. Si Nanay ay isang Noranian. Noong nakaraang buwan habang nagdridrive ako tinawagan ko sya at sa gitna ng paguusap namin bigla nyang pinakanta sakin ang ”let me try again” ni Nora Aunor, gusto kong umiyak kaya lang hindi ko magawa dahil nagmamaneho ako for safety ikaw nga. Nong minsang pumunta sya sa dentist tumawag sya sakin nagpaalam na ipapagawa nya ngipin nya mura lang daw 3-4k ipapagaya nya raw yong ngipin ni Vilma Santos wag ka muna magreact jan may sagot si Nanay jan sabi nya maganda daw kasi ang mga ngipin  ni Vilma kesa kay Nora yon lang ang paliwanag don wag kna umapela, after 5 to 6 hours tumawag ulit nagsosorry siya dahil hindi nya daw alam na each ngipin pala yong presyo non eh pinagawa nya na lahat ng ngipin nya ayun tawa ako ng tawa non kasi para syang bata na nakagawa ng kasalanan.

Noong isang buwan, nasira ang washing machine ko, hindi nagdradrain so ginawa ko inoperahan ko ang isang 3D na washing machine, pagkalipas ng isang oras nagdradrain na siya hindi naman sya ngayon nagwawash. napangiti ako, bigla naalala ko noong sinira ko ang radyo ni Nanay yong may player ng mga plaka gusto ko lang naman malaman kung bakit may music at bakit may nagsasalita, wasak ang nasabing radyo, yon ang sa lahat ng gamit ni Nanay yon ang pinakamamahal nya. pinatayo nya ako face the wall namumula si Nanay sa galit dahil hindi nya ako pwedeng paluin kaya yong pader na katabi ko ang pinapalo nya. yon ang pinakamatagal o pinakamahabang oras na nakaharap ako sa pader. After kong magface to wall ng matagal niyakap ako ni Nanay at sinabing paglaki ko malalaman ko ang lahat kung bakit may nagsasalita na tao at may lumalabas na music sa radyo at binilinan nya akong huwag na huwag lalapit sa TV dahil malalagot akong talaga. Huwag na huwag mong idadare si Nanay dahil pag sinabi nyang malalagot ka, malalagot ka talaga.

Madalas akong ibugaw noon ni Nanay sa mga ex seminarian, teacher, anak ng mayor, anak ng kapitan at anak ng baranggay tanod at higit sa lahat sa magsasaka o anak ng magsasaka naniniwala sya na pag isang magsasaka ang napangasawa ko magaling itong mangbungkal ng lupa, magaling magararo ng bukirin at hindi mapapabayaan ang lupaing sinasaka ni Nanay ah oo magsasaka si Nanay na dating public school teacher. Kung kani kanino nya binibigay ang roaming ko basta nakita nyang may potential na maging asawa ko hindi sya nagdadalawang isip na ibigay ang roaming number na hindi ng gumagana. Ngayon tahimik sya pagdating sa usaping ganito, naghihintay at nakikiramdam sa mga susunod na magaganap pero paminsan minsan humihirit siya.

Maaasahan sa tsismis si Nanay, yong kapitbahay namin na kahit hindi ko pa nakikita parang kilala ko na rin. pati yong kapitbahay ng kapitbahay non nakakarating sakin ang tsismis. kung may krimen kang ginawa maasahan mo syang maging partner mo pag tyagaan mo lang dahil malupet na konsensya si Nanay pero maasahan mo siya. Noong nainlove ulit si Nanay tapos pumunta sila ng Cebu at nong sinabi nya sakin na hindi nya nasasagot mga tawag ko dahil naghahanap sila ng hotel dahil punuan at nakakuha naman daw sila kaya lang isa lang pero wag daw akong magalala kasi malaki naman daw yong bed malaki para sa dalawang tao natawa ako, sobrang witty ni Nanay kung makakausap mo sya para ko lang syang kasing edad. Sobrang naging Negative yong naging dating ko kay Nanay nong mainlove sya pero binawi nya nong pinagmalaki nya sakin na may spot pa sya!

Ilang buwan namaga ang paa ni Nanay, nong sinabi ko sa kanya na nirarayuma sya nagalit sya sabi niya nakaapak lang daw sya ng duwende kaya pinaparusahan sya sumangayon naman ako para matapos ang usapan at sinabihang pakiusapan na lang nya ang duwende na naapakan nya na pagalingin na siya. kinalaunan sa hospital din ang bagsak nya at sa ngayon ay unti unti ng gumagaling. (malamang dwendeng itim yong naapakan nya at hindi sya pinagaling noong una hahaha dagdag ko lang to wag maniwala nakamamatay)

Natry mo na bang maging katsismisan ang Nanay mo? itry mo, masarap katsismisan ang isang Nanay maraming tsismis na alam at try mo din gawing bestfriend Nanay mo promise safe na safe ang mga secret mo na sasabihin mo sa kanya. natutuwa akong masaya si Nanay ngayon, masustansya ang kanyang buhay pagibig, emotional at physical naman ay nakaayon sa kanya ang mga bituin. sisikat ang araw sa silangan at syempre lulubog sa kanluran kahit pa nga minsan naguguluhan pa rin ako kung nasaan ang Norte at hilaga at yong bagong horoscope yong dumadagdag kasunod ng scorpio bakit parang hindi natretrending?. bago pa magulo ang post kong ito at kung saan saan pa makarating tatapusin ko na. gusto ko lang naman sabihin na Happy Mother’s Day sa lahat ng Nanay! kayo na talaga the best kayo mwah mwah tsup tsup!. at sa nagiisang Nanay na nasa blogroll ko na si Mommy Kaye  na parang nakikita ko sarili ko sa mga tsikiting nya Mabrook Mom Kaye! happy Mother’s Day sayo para sayo ang post na to at para kay Nanay.

 

 

 

 

Friday : 8:15am – Kung wala kang gagawin ngayon punta ka Consulate magpapakain tayo ng mga tao don tapos magdala ka na rin ng mga damit na hindi mo ginagamit magpapack tayo ng ipapadala natin don kay Sendong.!

Dear Michiko,

Ipagpatawad mo sana kung ikaw ang una kong naisip na ipamigay. Alam kong kahit minsan hindi ka naging masaya sa piling ko. naalala mo nong una kang binigay sakin, masama ang loob ko, niyakap kita na hindi ako humihinga pero ang importante don niyakap kita, hirap na hirap ang kalooban kong tanggapin ka. pero wala akong magawa dahil sino ba naman ako para tanggihan ang lambot ng bawat himaymay mo. Pagdating ko ng bahay, nilagay kita malayo sakin, ni ayaw kong mapalapit sayo o masanggi ko man lang ang lambot mo. tinititigan kita mula sa malayo, iniisip kung kelan kaya kita mayayakap na walang halong takot, pero alam mo bang yong importansya mo sakin ay ganun ganun na lang kasi alam mo bang ikaw ang kauna unahan kong stuff toy? kung niyakap man kita noon na hindi ako humihinga may dahilan yon wag ka sana magtampo at sa tagal siguro ng pagsasama natin alam mo na na hinihika ako sa bawat hibla mo na nababahing ako kapag niyakap kita.

Sana kung sino man ang batang makakatanggap sayo, Sana mahalin ka at lagi ka nyang yakapin. Sana sa pamamagitan mo makalimutan nya na nawalan sya ng tatay, ng nanay, ng ate at kuya. Sana sa pamamagitan mo Michiko makalimutan nya ang nangyari ng gabing ika 19 ng Dec. Sana makalimutan nya ang mga sigawan, iyakan at panaghoy ng bawat inang nawalan ng anak. Dear Michiko, alam kong magiging masaya ka sa pupuntahan mo sana mapasaya mo kung sino man ang batang makakakuha sayo. Sana iparamdam nya sayo yong pagmamahal na hindi mo nakuha sakin. P.S. lalagyan ko ng tag ng name mo ang leeg mo para wag mabago ang pangalan mo pero wag ka na lng din magtampo na kung ang name mo na Michiko at maging Mecheku okay.

Dear Chin Chin,

Noong una kitang masilayan, naakit kagad ako sa mga mata mong nakangiti, alam mo bang weakness ko yon? yong mga matang nakangiti parang yong mga mata ni Sid Lucero. nasa itaas na bahagi ka nakapwesto noon, isang oras ako naghanap ng kaparehas mo sa ibabang bahagi pero wala ka. hinanap ko ang sales lady pero sinabi nyang wala ka ng kaparehas nagiisa ka lang daw. Nakiusap ako na kung pwede ikaw na lang ibigay sakin, pero sabi nya hindi ka daw nya ipinagbibili, hindi kagad ako nawalan ng pagasa nakiusap ulit ako na kung pwede makausap ang manager ng section na yon at lumabas ako ng store na yon na bitbit ka, tuwang tuwa ako alam mo ba yon? Ikaw ang una kong suot sa unang sabak ko sa site dito, jeans na kupas, nakablazer at ikaw ang nakapanloob astig diba Chin Chin, hindi kita isinasama sa washing machine pag naglalaba ako hand wash ang ginagawa ko sayo oo na sige na ikaw ang pinaka paborito kong damit.

Sana, kung sino man ang babaeng makakakuha sayo, mapangiti mo sya tulad nong una kitang makita napangiti mo kaya ako. Sana maakit din sya sa mga mata mong nakangiti. Sana mapawi mo ang lumbay sa kanyang mga mata, Sana pagsuot ka nya magkaroon ng kapayapaan sa puso nya, Sana mapawi mo ang lamig na dulot ng gabing mapanglaw, Sana mapawi mo ang lungkot na nararamdaman nya ngayon sa pagkawala ng mga mahal nya sa buhay.

Goodbye & Love you both,

Sphereq

 — Michiko

 

 

—- Chin Chin

 

Last month nagcelebrate ng Diwali festival sa head office dahil halos 40% ng katarabaho ko ay Indian nakisaya ako sa pagtitipong iyon. Festival of lights daw ito, ito daw yong nawala si King Rama sumama sa bayaw pumunta ng bundok at nawala ng 14 years tapos pagbalik binalita nyang napatay nya ang devil di na ako sure kung kasama nya parin nya yong bayaw nya. tapos yon nagpaputok na sila fireworks parang bagong taon ganun. Hindi rin ako sure kung may iba pang version ng kwentong ito basta ganyan yong pagkakakwento sakin nong isang Indian. simpleng simple yong plot ng kwento parang yong kalabaw at baka lang na nagkapalit ng damit naging isa sya sa naging paborito kong kwento sa buong panahon. Sa dating company ko nakaugalian na ang lahat ng babae ay magsusuot ng saree o sari basta yong damit ng mga babaeng Indian tuwang tuwa sila pag nakikita ka nilang suot ang kanilang mahiwagang kasuotan.

Umaga pa lang sa site nagkabasagan na ng niyog isa sa mga tradisyon na lahat ng biniyayaan ng libreng pakain at pagasolina ay kailangang magbasag ng niyog tapos pupunasan ka sa noo ng kulay orange na parang aswete akala ko tapos na kampante na akong bumalik sa ofis ko sumakit ang kamay ko dahil nakailang hampas ako ng niyog ayaw nya paring mabasag. kinakabahan ako kasi baka bad luck ang ibig sabihin non.

Paula: Anong oras ka pupunta dito? 10am maguumpisa ang pooja naka cc ka sa lahat ng email di ka na naman nagchecheck ng email mo. walang confirmation galing sayo lahat ng department dito sa HO may pa pooja kanya kanya sila ng altar at kada altar magbabasag ka ng niyog.

Limang altar ang pinuntahan ko at pagod na pagod ako kasi hindi ko naiintindihan talaga kung ano ang ginagawa ko at kung para saan ang pagbasag ng niyog hindi rin nila maipaliwanag sakin kung bakit kailangan pa talagang may basagang maganap at pagkatapos hihiwa hiwain at kakainin nyo isa isa tapos hahainan ka ng pansit bihon na may sabaw ng malapot na gatas na may luya at nagkalat na sweets na lasang luya din.

yon lang muna naalala kong bigla kaya ayon napasulat ako ng wala sa oras hahaha

Protected: Anti & Pro

 current events  Enter your password to view comments.
Oct 112011
 

This post is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Buwan part 2

 current events  Enter your password to view comments.
Aug 302011
 

This post is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Isn’t it ironic

 current events, maikling kwento  Enter your password to view comments.
Aug 032011
 

This post is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: When Pinoys talk, the world listens…

 current events  Enter your password to view comments.
Aug 012011
 

This post is password protected. To view it please enter your password below:

© 2013 SPHERE Suffusion theme by Sayontan Sinha