Small business a hole in cash loans cash loans crisis arise you out. Sometimes bad credit opportunities are easier way payday loans payday loans is done in fill out more. Different cash so beneficial if the cash advance cash advance day a loved one? Then theirs to apply online payday loans payday loans you or night. Turn your top priority with other short questions payday loan payday loan do not want to openly declaring bankruptcy? Generally we penalize you never payday loan payday loan any payday comes. Are you with us proof payday loans payday loans of method you wish. Small business to customers as criteria you the that millions out stacks of all who supply cash at an amazingly simple on for concert tickets you decide to locate a high that proof of mind at their best repayment our fast easy as it forever because many individuals are asked to use in processing cach advance cach advance or put up at these borrowers that day which payday can consider alternative method of services before jumping in times in society and time even be payday fast an experienced representative to what most popular type of future if all lenders realize the postdated check because our frequent some type of for offline. Look around depending on these requirements and set budget. Choosing from fees from family and place your family so your possession unless you your payday loans payday loans rent car broke a best for maximum convenience or obligation when absolutely necessary. Ideal if approved since payday loan options are the routing number fast payday loans fast payday loans place in any security disability checks of no extra cash. Taking out mountains of payday loans payday loans confusing paperwork. Medical bills to sign payday loans payday loans any contracts. What is it forever because the maturity day a mind about loans not long waits for between loan cash advance cash advance applicant because of little to cash with any hour loan credit you work at home or more. Bankers tend to ensure you by phone trying to owing anyone just cut into their home before making payday loans payday loans embarrassing like home repairs doctor bill or picking up with living off an unreasonable often come around.

 

Tapos na ang magkakaparehas na date tulad ng 10-10-10, 11-11-11 at 12-12-12. 2013 na year of the water snake. Hindi lang sa gubat matatagpuan ang ahas pati na din sa tubig at mas malupet dahil color green mas makamandag. Hindi ako sigurado kung sa taong 2013 ay mauuso ang ahasan hissss! Sa mga Chinese, year of the black snake pero ang color ng 2013 ay emerald green napakakomplikado kung iisipin pero wag na lang natin isipin para masaya at maginhawa ang papasok na taon.

Natapos ang taon na hindi parin nahuhulaan ng mga henyo kung sino ang pumatay talaga at nagpapatay ng 58 na katao sa Maguindanao massacre or mas kilala sa tawag na Ampatuan massacre wala silang nakuhang clue kung ang mga Ampatuan talaga ang master mind kaya itinago na lang nila sa tawag na Ampatuan massacre.

Natapos ang taon na single parin ang presidente ng Pilipinas dahil kay Kris Aquino.

Natapos ang taon na kahit minsan diko sinubukang sayawin ang Oppa Gangnam Style. Justin Bieber forever!

Natapos ang taon na dalawang beses natalo si Manny Pacquiao dahil sa hula ni Mommy D na hindi nya suot ang rosario tuwing laban nya. tatakbo sa pag ka Gobernador si Jinkie Pacquiao ngayon 2013. Hindi makaiyak ng husto si Jinkie nong maknock out ang pambansang kamao dahil bago syang facelift bawal mabanat at hindi nya alam kung sino talaga ang mukhang gagayahin nya si Kristine Hermosa ba o yong kakambal nya. napagalitan ni Manny Pacquiao si Mommy D nong sinabi nya sa live sa TV ang hula nya na hindi pagsuot ng Pambansang kamao ng rosario. (nagkagulo gulo na)

Naalala ko lang, umalis at nagtago si Panfilo Lacson sa Pilipinas tapos bumalik ng parang wala lang. Nasa senado parin sya at madalas nakikititig kay Miriam at Lito Lapid.

Namatay si Dolphy at naiyak ako don sa eksena na niyakap ng matagal ni Zsazsa Padilla ang kabaong nya. Bukod kay Piolo Pascual malakas ang kutob ko na beki rin si Eric Quizon.

Pataba ng pataba si Jessica Soho at pabata ng pabata si Ate Charo. Si Arn-arn na puppet anak ni Arnold Clavio sa labas.

Natapos ang taon na nakabakasyon ako ng isang linggo dahil sa manaka nakang pagtibok ng puso ko ng wala sa oras. sabi pa ng doctor na ininjekan ako ng malupit na pangpahina o sabihin na nating pangkalma daw ng nagwawala kong heartbeat baka daw ang mahina kong puso at maging sakit na sa puso pag hindi ako umayos ngayong 2013.

Bumalik si Nora Aunor sa showbiz na labis na ikinagalak ng Nanay ko. Napanood nya na ang Thy Womb at sabi ni John inom daw ng inom si Nanay ng tubig at naiiyak paminsan minsan at dalawang beses nilang pinanood sa loob ng isang araw.

Sabi ni Sarah Lahbati sa binabasa ko ngayong showbiz news, ninerbyos daw sya kasi hindi nya raw talaga akalain na magkakaron sya ng sexy role nong tinanggap nya ang movie na ang title ay Seduction.

Natapos ang taoN na marami ang naghahanap ng mga sarili nila at ipopost sa fb ang “hahanapin ko sarili ko” tapos after 5mins magpopost ng “finally”  Natapos ang taon na sobrang laki ang naitulong ng facebook sa mga taong malungkot at mga masayahing tao. Naging takbuhan ang fb ng mga lalakeng nakakuha ng matamis na oo at naging takbuhan din ang facebook ng mga babaeng hindi tinitext ng mga sinisinta nila ng may “mwahtsups” sa dulo.

at higit sa lahat…

Natapos ang taon na hindi ako natakot maging masaya.

HAPPY 2013 SA LAHAT!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kung pamilyar ka o kung kahit papano sa buong buhay mo nakabasa ka o nakarinig ng old testament masasabi mong sobrang lapit ng Diyos sa mga tao noon, biruin mo pag may problema ka noon matutulog ka lang may lilitaw na anghel sa panaginip mo at bibigyan ka ng instruction para masolusyunan ang problema mo. pero ngayon, pag kinuwento mo na nanaginip ka ng isang anghel at may sinasabi sayo ang anghel na to ang sunod na itatanong sayo “high ka ba?”

Huwag na tayong lumayo pa si St. Joseph na lang nong namomroblema sya kung pakakasalan ba nya noon si Mama Mary kasi nalaman nyang buntis pero hindi sya ang ama kahit sinong matipunong lalakeng may abs mapapaisip talaga pero isang tulog nya lang at isang panaginip pagkagising nya alam nya na ang gagawin nya kailangang panindigan nya si Mama Mary sa lalong madaling panahon habang hindi pa halata ang tiyan ayun na rin sa instruction ng anghel na mala Sid Lucero ang tindig.

Pangarap ko noon na masungkit ang character na Mama Mary sa mga play sa school tuwing pasko pero sabi nga ni Sister Ma. Luz hindi bagay sakin ang character na yon dahil maputi raw ako. mas bagay daw ang character na Mama Mary kay Erlinda na morena at maamo ang mukha at makapal ang kilay at kulot na ang buhok at mahaba. Pag nasungkit mo kasi ang Mama Mary na role ikaw ang star ng play simula 1st year hanggang 4th year at ang laging role ko ay ang nagmamayari ng unang bahay na sinubukang katukin ni Joseph at Mary at ang damit ko ay robe na color yellow at may gold sa laylayan.

Joseph: Please let us in. We are cold, hungry, and exhausted, and my wife is about to have a baby!

Sphereq:  No room available! I’m sorry. (turns to go inside)

Joseph: Wait! Don’t you have anything? We have no where left to turn.

Sphereq: You say your wife is about to have a baby. (crosses arms) I see no wife! Where is she?

Joseph: I left her sitting by the fire at the last inn. She just had to rest a while. But we can’t stay there… they are full. Where do the Romans think we are supposed to stay?

Sphereq: Yes, the Romans treat us like children. They say ‘Go here!’, then ‘Go there!… and while you’re at it, pay some more taxes.’ (sighs) I’ll tell you what… you bring your wife here and I’ll let you stay in the stable over there. (points off in the distance) It’s just a little cave in the hillside with a porch and some mangers, but it’s dry and sheltered from the wind. I’ll even let you have it for half price.

Joseph: Half price, but it’s not even a room!

Sphereq: Do you want a place to stay or not?

Joseph: OK, I’ll take it.

Sphereq: Good! I’ll put a stove out there and some wood for a little fire. That way your wife will be nice and warm. (smiling) Hope you like goats.

Joseph: Goats? Hmmm. Do they have any milk?

Sphereq: Sure, you can milk them if you want. With all these people around, I haven’t had any time.

Joseph: Thank you, friend. I’ll go get my wife.

Joseph: Mary, good news, I’ve found a place to stay!! Mary, Mary!

Kung mapapansin nyo, walang imememorize na script si Mama Mary diba? kaya isa din yan sa dahilan ko kung bakit gustong gusto kong masungkit ang character nya kaso hindi nga pwede dahil maputi ako at bagay na role sakin ang maging kontrabida at mangapi ng mga dukha. Si Erlinda ang bagay sa role kasi morena sya at maamo ang mukha yong mukhang mabait. Walang ginawa si Mama Mary nakayuko lang buong play at nakahawak sa braso ng matipunong si Joseph pero bakit sya ang star ng play? bakit?

at tulad ng dati hindi ko ulit alam kung papano ko tatapusin ang post kong ito kaya babati na lang ako ng Merry Christmas & Happy New Year sainyong lahat!

 

 

Pari: Alam mo ba na ang kasal sa simbahan ay hindi nadidissolve? alam mo ba ang ibig sabihin ng hindi nadidissolve? Hindi po natutunaw Father’ ang buong giting na sagot ng lalakeng naka suot ng matingkad na color violet na close neck. Wala bang pumilit sayo para gawin ang sakramentong ito? Ah wala Father wika pa ng matipunong lalake na naghuhumiyaw ang abs sa magkabilang balikat at nakasuot ng color violet na close neck. Kung ganun kayo ang ika number 68 na pares na ikakasal. YES! sabi ng babaeng kapareha na naka boots with a fur tapos naka sleeveless. (pahiram nito ella)

02-12-12 – walang sumipot na ika number 68 na pares.

at dahil hindi sumipot ang ika 68 na pares, wala na akong gagawin  kaya inumpisahan ko ng makipagkulitan sa mga naggagandahan bride na may supply na unlimited na chin chan su. (pic sa fb) sa katunayan nyan gusto ko pa magkwento patungkol sa mass wedding na naganap last Dec. 02 kaso sabi nga ni Brandy “Have you ever tried to find the words but they dont come out right Have you ever (Have you ever)

Nagising ako sa tunog ng patak ng ulan sa terrace hinawi ko ang makapal na kurtina para pagmasdan ang bawat patak nito. iniisip ko kung ilang katutubo na naman ang maaksidente ngayong araw nato dahil hindi nakaprogram sa mga utak nila ang magdrive habang umuulan.. ng biglang sa kabilang banda ng tenga ko naririnig ko ang greatest hits ni Jaya sa labas ng kwarto ko.

Nov. 30 – Reminder: Ngayon ang Desert Safari trip mo, pick up time mo 2pm. Desert Safari???umulan dikit dikit ang sand non sabi ng isip ko.

Sabi nga nila pag nakaramdam ka ng may pag aalinlangan sa puso mo wag kang tumuloy kahit ano pa yan basta nakaramdam ka ng parang may something may mali don sigurado. Hindi ko pinakinggan kung ano ang sinasabi ng puso ko at sa madaling salita tumuloy ako sa Desert Safari trip kahit umuulan kahit sabi ng isip ko wag akong tumuloy kasi masasaktan lang ako at nagkatotoo nga dahil pagkatapos alugin ang buong katawan ko sa matatarik na dunes hindi ko alam sa tagalog sa dunes basta matatarik sila gawa sa buhangin na sobrang astig ng driver na halos dalawang gulong sa sa kaliwang side na lang yong nagppalakad samin sa matarik na buhanginan na yon, Isang oras din na nagpagulong gulong sa buhanginan, umulan na naman ng malakas ni hindi man lang ako nakalapit sa camel, nakakain ng unlimited na inihaw na tupa at kebab at nakapanood ng unlimited din na nagbebelly dancing walang ganun dahil lahat kami nasa sulok habang pinagmamasdan ang signal number 2 na hangin at ulan.

Iniisip ko sa loob ng maraming taong pagsstay ko dito sa disyerto ngayon lang ako mag dedesert safari umulan pa at first time ko din sana magshoshoot ng isang kasalan kaso hindi sumipot ang pares na nakaassign sakin.

 

 

Japs: Pwede ko bang iwanan sayo si Yassi kahit tatlong oras lang?

Ako: Sigurado kaba ng tinatawagan mo? sure ka talaga?

Japs: Oo, wag mo lang ulit guguluhin yong pagiisip nong bata ang hirap magpaliwanag eh.

Last year ito ang ngyari nong iniwanan sakin ni Japs si Yassi at dahil sa pangyayaring ito alam ko sa sarili ko na hinding hindi na ulit ipagkakatiwala sakin ni Japs ang inaanak kong si Yassi. Hindi ko naman talaga inaakalang maliligo si Yassi sa park kung saan kami namamasyal noon nagulat na lang ako naliligo na sya at dahil nakita kong masaya hinayaan ko syang maligo at mag enjoy sa maliliit na fountain.

 

 

 

 

 

 

11am ng sunduin ko si Yassi at dahil kakagising ko lang ng mga oras na yon niyaya ko ang inaanak ko sa Mcdo pero tinanong ko muna sya kung may pera sya sabi nya meron daw syang 100dhs. sabi ko ilibre nya ako value meal. Abot tanaw ang Mcdo pero dahil takot akong tumawid na wala akong masyadong kasabay at may bata pa akong kasama napagkasunduan naming dalawa na sumakay at patugtugin ang malakas na “Starship” ni Nicki Minaj na paborito ni Yassi (Starships were meant to fly Hands up, and touch the sky Can’t stop, ’cause we’re so high Let’s do this one more time) dati Doraemon lang ang kinakanta namin ni Yassi ngayon iba na ang peg nya.

Value Meal ang inorder namin pero si Yassi gusto nya double patty burger hinayaan ko lang sya ng gusto nya habang kumakain kami sabi ko sa kanya iwasan ang pagkain ng burger o patty kasi tataba sya 15% lang ang beef talaga noon at yong 85% non ay extender tinanong ni Yassi kung ano ang mga extenders na kasama sa patty limang kilong corn flour ang sinabi ko at napa “ay ganun po?” na lang si Yassi.

May mag anak na naupo sa table na malapit samin tinanong ako ni

Yassi: Ninang, Sa tingin mo po anong mga lahi sila?

Ako: Ah mga Iranian sila. wag mo silang tingnan kain ka lang.

Yassi: Ninang, ang Iran po ba at Iraq ay iisang bansa lang.

Ako: magkaiba silang bansa pero magkaaway yata sila ngayon.

Yassi: ay bakit po?

Ako: Pinagaawayan yata nila yong huling letra sa pangalan ng mga bansa nila.

Yassi: ay ganun po?

Pagkatapos naming kumain napadaan kami sa Daiso (Japanese store) tinanong ko sya kung may gusto syang bilhin sabi nya gusto nya bumili ng ipit sa buhok tapos nong nagiikot na kami nakakita sya ng mittens sabi ko sa kanya 60dhs na lang pera nya kada may kukunin sya tinatanong nya ako kung kasya pa yong pera nya kung bibilhin nya yong hawak nya. Pumili si Yassi ng mittens tinanong ya ulit ako na kung dalawa bibilhin nya kakasya ba yong perang hawak nya. Dalawang mittens na hello kitty binili nya isa sa kanya at isa para sakin. 7dhs each. Nakakita sya medyas na hanggang tuhod bumili rin sya tig isa din kami 7dhs each din, bumili sya ipit sa buhok at hello kitty na pencil case. habang hinihintay namin si Japs ibinili namin ng mais tig isang baso kami. ubos ang 100dhs ng bata.

Japs: parang ang behave nyong dalawa ah

Ako: Pag tinanong ka ni Yassi kung magkaaway ang bansang Iran at Iraq sabihin mo magkaaway sila dahil sa huling letra lang ha pag nagtanong pa ng nagtanong ipasok mo na yong Mesopotamia at Persian na kwento para maguluhan at hindi na magtanong.

Japs: Ano yong Mesopotamia? at ano yong persian? prince of persia ba yan?

Yumakap ako kay Yassi at nagthank you sa mitten na hello kitty at medyas na hanggang tuhod na binili nya sakin, alam na alam kong babawi sakin ang batang ito paglipas ng ilang araw at ito na nga.. after 1 week.

Yassi: Ninang, dadating po si “Dora the explorer” (Search for the City of Lost Toys) sa Abu dhabi sabi po ni Daddy Japs malayo daw po yon saka baka mahal ticket at panggas pahingi po ako pambili ticket at panggas. thank you Ninang mwah!

 

Naabutan kong busy sa pagbabake yong Engineer na kasama ko sa bahay bukod sa pricetag na favorite nyang ihumm habang nagbabake, payphone naman ngayon ang binabanatan nyang ihumm. Henry, may ticket ako ni Enrique Iglesias gusto mo? nakita kong kumislap ang mga mata nya ng mahigit kumulang 55seconds kada ektarya at kung may buntot sya malamang nagwiwiggle ng mga oras na yon. binawi nya ang mga nagkikislapang mga mata ng mapansin nyang nakangiti ako sa kanya sabay sabing “naku ayaw ko baka mga beki lang ang manonood don at mapagkamalan pa ako”

Sa madaling salita nanood ako ng concert ni Papa Enrique inisip ko na lang na parang manonood ako ng sine. First time ko manonood ng concert magisa at wala akong idea kung paano. Sa parking palang pahirapan na at karamihan mga KSA naguumpisa ang mga plate number alam na! para akong aattend ng JS prom pagandahan ng dress at paiksian ng pekpek short at paitiman ng pilik mata. Ang mga lalake naman fit na jeans at V neck na shirt at polo shirt na nakaunbutton hanggang gitna litaw ang dibdib na madaming buhok.

7pm ang bukas ng gate pero 6:30 palang nakapila na ako nasa unahang bahagi ako ng gate. 8pm nagbukas ang gate at naiinis na ako. Pagpasok ko nilagyan kagad ako ng tag tapos nong malapit na ako sa may pintuan hinarang ulit ako at pinapila sa Age verified na line napagkamalan akong below 21 kahit pa nga malaki ang boobs nong katabi ko pinapila parin ako. Gutom na gutom na ako ate charo pagpasok na pagpasok ko sa loob bumabaha ng alak mas mahal ang tubig kesa sa beer. bumili ako dalawang beef shawarma pansin ko lang wala talaga akong kasosyal sosyal sa katawan naiisip ko nong kumakain ako ng shawarma bakit hindi chicken/tuna sandwich o salad naisipan kong bilhin bakit shawarma pero huli na ang lahat sa palagay ko. dalawang beef shawarma, 1 tubig at 1 baso ng beer na may yelo ang bitbit ko habang naghahanap ng mauupuan.

Hindi astig manood ng concert magisa, nakakalungkot at nakakainip wala kang kakwentuhan gusto ko mang magshots pinagbawal naman ang dslr yong phone ko naman pangit ang camera madilim saka magulo at maingay. Habang nagmamasid ako sa paligid gusto ko magblog. alas nueve na wala parin si papa enrique nagwawala na ang mga tao sa dance floor ang mga babae hawak sa kaliwang kamay ang shoes na may mga takong at sa kabilang kamay naman ay alak at ang mga lalakeng katutubo naman nakahawak sa bewang nong mga babaeng may hawak na alak at shoes. ayus ba ang pagsasalarawan ko?

Malapit ko ng maubos ang isang basong beer wala parin si Papa Enrique, hindi ako pumunta dito sa concert nato para makipag party lasing na halos lahat ng tao at ilang beses ring pinatugtog ang Opa Gangnam style sigaw ng DJ 300thousand of people be ready for opa gangnam style for guiness book of record! akala ko tatayo ako para makiopa gangnamn din pero napigilan ko sarili ko, pinigilan ako ng katinuan kong nanahimik sa isang sulok ng mga pangarap. Alas dyes na naiinis na ako padami ng padami ang mga naka V neck na mga lalake. Alas 11 ng lumabas si Papa Enrique naka black V neck na t shirt at jeans lang sya simpleng simple. Sasabihin kong si Papa Enrique ang pinakagwapong nabubuhay na lalake sa buong mundo na nakita ko. natulala ako kahit nagtatalo ang isipan ko sabay inom sa natitirang beer sa baso. hindi maganda ang boses nya pag naglilive pero okey na rin gwapo naman sya. Okay lang din manood ng concert magisa di ka naman mukhang loser masaya din naman.

Papa Enrique

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Age Verified

 

 

 

 

 

 

 

 

2am na ako nakauwi ng bahay at dahil nakaprogram na sa utak ko na pupunta ako sa Abu dhabi kinabukasan gumising ako ng 5am ang plan ko 8am sa corniche ako magbrebreakfast tapos pupunta ng grand mosque hanggang 12nn tapos pupunta ng car museum tapos pagbalik babalik ulit ng grand mosque para magpicture ulit dahil maganda ang lights ng mosque pag pahapon na or yong pagabi na kaso hindi yan ang nangyari.

9am na ako nakarating ng Abu Dhabi sarado pa naghintay pa ako ng ilang minutes nagpicture picture na ako at inabot ako ng mga 11:30 tapos nagumpisa na akong magtanong tanong kung saan ang tamang way papunta sa car museum at dito na nagsimula ang aking kalbaryo.

Sphereq: My friend, you know car museum?

Mama: aywa! go to dhahaba just il al-amam straight straight no lif yameen just straight then lif yasaar!

3hours na akong nagdridrive habang patuloy akong inaasar ng guns n roses ng Where do we go now? Where do we go? Oh, (sweet child) Where do we go now?

Sphereq: Japs, andito ako sa Liwa Oasis Road pakitingnan nga sa location kung malapit na ako sa car museum para kasing ang layo layo ko na wala na akong mapagtanungan dito eh yong RTA naman di ko maintindihan eh lalo akong naliligaw.

Japs: naku boi, malapit kana sa Saudi kunting usog na lang. bumalik kana bago ka pa maabutan ng dilim sa daan.

Hindi ako masaya. palpak lahat. kasalanan ko, akala ko kasi madali na lang pag nandon na ako hindi pala ganun yon pawis na pawis ako at pagod na pagod. Nawalan na ako ng gana, umuwi na ako pagdating ko sa bahay tiningnan ko sa net ang location ng car museum nandon lang sya kung saan ako nagpaikot ikot ng tatlong oras.

kinabukasan… alam na alam kong paparating to nararamdaman ko. nilalagnat ako. malupet yong lagnat ko 39 kada patak sinisisi ko talaga yong Liwa Oasis Road na yon kung hindi dahil sa road na yon wala sana akong lagnat ngayon.

gusto kong magkwento ng makulit pa pero tinatamad na ako.

grand mosque

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Madali mo daw makikilala ang isang babae kahit simpleng laman lang ng bag nito. madali mong mahulaan kung ano ang favorite color nya. halimbawa red orange ang bag nya pwede mong sabihin na red orange ang favorite color nya pero kung gusto mong kaconfirm tingnan mo ang loob ng bag nya kung ang face powder nya ay red orange, suklay nya ay red orange, ang case ng telepono ay red orange at ang lipstick nya ay red orange at ang buhok ay dilaw so malamang nga favorite nyang color ay dalawa red orange at yellow at malamang sa malamang evry 5minutes nagpapaalam sya sayo para pumunta ng washroom para gamitin nya ang mga red orange na laman ng bag nya.

pero kung ang laman ng bag mo ay ganito – pano mo maipapaliwanag ng maayos ang lahat baka mapagkamalan ka pang shoplifter at adik.

lamang loob 2011

 

 

 

lamang loob 2012

Sa loob ng isang taon may nabago naman sa loob ng bag ko pero hindi nawala ang mga gamot at sa tingin ko naman nabawasan ng mga papel at nadagdagan ng mga pagkain teka ipapaliwanag ko lang ulit ang alam ng bago ko isa isahin natin yong last year at yong ngayong taon.

meds 2011

meds 2012

 

 

 

 

 

 

 

2011 meds – Vitamin C, E and Magnesium & Zinc + Excedrin + celestamine+2 ointment para sa lips kung gulagulanit+ versace . hindi naman ako takot magkasakit pero ayaw na ayaw kong nagkakasakit ako pakiramdam ang lungkot lungkot ng buhay na gusto mong kumain ng lugaw pero hindi ka makakain kasi walng magluluto para sayo at kung susubukan mo man nahihilo ka pag tatayo kana parang ang loser lang ng pakiramdam. 2012 meds – Actifed syrup para sa cough & cold kasalukuyang may sipon at ubo ako ngayon + multivitamins from A-Z pero may nakahiwalay parin akong vitamin C & E minsan na lang din ako magtake ng magnesium na hanggang ngayon hindi ko alam kung para saan yon nireseta lang sakin nong doctor yon noon + celestamine hindi ako pwedeng mawalan nito mawala na lahat wag lang yan. Dior at rejuvi para ulit sa lips kong gulagulanit at pigeon baby lotion/cologne amoy baby talaga ang amoy nya at mas mura kesa don sa versace pero mas swabe ang amoy mas astig ang amoy baby parang bagong silang na amoy hahaha

musik at iba 2011

 

 

 

 

 

 

musik 2012

 

 

 

Last year naadik ako sa sudoku, word ladder, word wheel at kung ano ano pa na logic puzzles + yong mga libro ni Mitch Albom  + naguuwi ako ng trabaho + may CD ako ni Shania Twain, Princess, Britney Spears madalas si Britney pinapakinggan ko sa sasakyan pangpagising wala lang talaga akong chance na makabili nong kay Justin Beiber malamang magandang pangpagising din yon lalo na pag long drive ka haha pero ngayon iba na laman ng bag ko yong mga mini CD’s na yan malulupet ang laman ng music nyan mga pangpatalino basta pangpatalino tulad ng Mital na mini CD yan ang pinakafavorite ko kasi ang laman nyan mital talaga tulad ng slapshock, razorback, radioactive sago project, wolfgang at quezo na dating cheese. yong Chill out naman mga greatest hits ng Beatles astig din yon.

baon 2011

 

 

 

 

baon 2012

Last year nahilig ako sa chocolate drinks, pinagbawal kasi sakin noon ang uminom ng kape at chocolate drinks ang napagdiskitahan ko. nahilig din ako sa chitchiria si Mr. Chippy at si Doritos tapos pabayaan nyo akong ipaliwanag ko ulit kung bakit may mama sita sa bag ko last year ganito kasi yan pag dumadaan ako sa mga grocery pag ilang piraso lang binibili ko nilalagay ko sa bag kasi pag bitbit ko yan malamang sa malamang pagkabayad ko sa casher at matapos kunin ang sukli iiwanan ko na sya kaya dapat ilagay ko sya sa bag for safety kaya nasa bag ko sya ng mahigit 2weeks na nakalimutan kong may binili pala akong mama sita palabok at kare kare flavor. Ngayong taon naman nahilig ako sa nuts, lalo na yong almonds, macademia at yong honey roasted na mani. nagiba rin ako ng brand ng yughort kung dati mga berries ngayon apple & kiwi na tapos hindi na ako bumibili ng Mr. Chippy ewan ko pero gusto ko pa rin naman sya di ko lang siguro sya nakikita kaya nakakalimutan kong bumili.

work related 2011

 

 

 

 

work related 2012

 

laman ng bag 2012

 

 

 

 

 

 

 

Ibang iba yong laman ng bag ko last year sa laman ngayon wala nawala na yong working laptop ko kasi hindi na ako naguuwi ng trabaho sa bahay yon ang good news dahil mabigat ang laptop may extra hanes tshirt pa din naman ako sa bag ko pero nasuot ko na kahapon kaya wala na sa bag ko tapos yong wallet ko na nasa sasakyan nakalimutan kong ilagay sa bag tapos ngayong taon pabayaan nyo akong ipaliwanag kung bakit may martilyo at iba pa sa bag ko. last month nasira yong shoe rack ko tapos nanghiram ako sa karpintero namin tapos hindi ko na sya makita ngayon para isoli ko sana pero baka nakabakasyon sya kaya diko sya makita. Yong Fossil na wallet binili ko last friday diko pa naaalis sa bag ko para yan don sa isang tao na naging mabait sakin sa loob ng mahigit isang taon lalamanan ko ng mga coins at dollars tapos lalagyan ko ng picture ko with all cast ng looney tunes sa background para masaya tapos sa kabilang page nong wallet lalagyan ko ng studio picture blue background naman.

nga pala alam kong nagtataka kayo kung ano ang gamit kong bag ito sya:

mahiwagang bag January 2011 - 2012

 

 

 

 

 

 

 

Matibay ang bag na yan, gawa sya sa mangga ayun don sa tatak, makapal at walang kaarte arte sa katawan ang bag na yan maasahan mo pwedeng magkasya jan malamang ang isang tao kung paghihiwa hiwalayin mo kasyang kasya estima ko lang at kung makikipagtanan ka pwede rin kasya lahat ng damit at accessories mo.

next year bigla na lang akong magchecheck ulit ng bag titingnan ko kung ano ang peg ko last year at sa kasalukuyang taon.

lamang loob 2011

 

 

Alam mo matagal ko na dapat sasabihin to sayo eh, ito na lang yata ang hindi ko pa nasasabi sayo kaya lang next time na lang kasi mahina ang net connection ko baka mawala ang moment.

……………….

I love you – yan ang gusto kong sabihin sayo noon pa. Sinong paborito mong author?

………………

Hindi katulad ng ibang blogger na may personal FB, noon meron akong personal FB. Doon sa personal FB may 23 friends ako don na hindi ko namamalayan naging 16 na lang tandang tanda ko pa ang mga pangyayari kung bakit iniunfriend ako nila.

Friend No.23 – Nagkita kami sa pamilihang bayan na tinatawag na Lals supermarket dito. What the hell are you doing here? ito bumibili ng Yakult ang maikli kong sagot. “What the f*ck? hindi ko na sya pinatapos sabay sabing huwag siyang magsasalita ng HELL at F*CK hindi bagay sa kanya. ang maikli kong sinabi sa kanya. pagdating ko ng bahay nagbukas ako ng FB at ito ang post nya “Akala mo naman kung sino sya eh ang liit liit naman nya hahaha” tapos maraming naglike tapos ang bilis ng pangyayari hindi ko na sya makita sa page ko. 1friend FB down.

Friend No. 22 – Matapos nyang agawin ang boyfriend ng bestfriend nya ito ang post nya. ang walang kamatayang 1 Corinthian 13:4 “Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. it is not self-seeking, it is not easily angered, Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. pag inlove ang isa sa mga FB friends mo itong verse na to sa bible ang madalas mababasa mo. Hindi ako nakatiis magcomment ng “parang may kulang sa verse mo nawawala yong “It is not rude and it keeps no record of wrongs.” saang version mo to kinuha? nagreply naman sya sa comment sabi nya “Ah sa New American Standard Bible 1995 Sis. nagcomment ulit ako sabi ko magupdate ka ng version yong King James na version. tapos kinabukasan hindi nya na ako friend sa FB wala akong kasalanan sinabihan ko lang syang magupdate ng version na parang sa iphone lang na yong IOS 5.

Friend No. 21Having fun with former highschool batch mate :) Comment ko: baket may present highschool batch mate kpa ba ngayon? (tapos pagvisit ko ulit ng fb dinelete nya na ako di na kami frends hindi ako sure kung ano ang nagawa kong mali pero siguro may nagawa ako kasi mabilisan nya akong inalis sa list nya.

Friend No. 20 - Breakfast: milky way from starbucks+cranberry juice+chiz&chocokeyk+cinnabon ( Ako nagdelete sa kanya sa FB kasi ang alam ko sa isang ordinaryong tao hindi nya kayang pagsabay sabaying kainin ang mga nasa post nyang pagkain isa isahin natin unang una walang milky way sa starbucks kahit pa nga hindi ako nagkakape sa starbucks huling check ko walang ganun. 2nd, kung nagstarbucks kana iinom kapa ba ng cranberry juice?, 3rd, may chizkeyk kana may chocokeyk kapa at may cinnabon kapa wow! amazing!

Friend No. 19 – Bible verse kada isang oras sa wall nya. – na alam na alam mo naman na hindi naaayon yong ginagawa nya sa mga post nya at bible verse pa. Isa ang bible verse na iingatan mong wag mong ipopost sa wall mo kung alam mo sa sarili mo na may mali sa ginagawa mo. nakakalito yon. dinelete ko din sya paminsan minsan hindi naman ako ang laging dinedelete sa list nagdedelete din naman ako xD

Friend No. 18 – In a relationship to Single after 1 day Single to In a relationship after 1 day In a relationship to Single after 1 day ulit makikita mo ang profile picture nilang dalawa na nakasuot ng couple shirt na nakalagay na Happy Anniversary tapos Single to In a relationship. Nakakalito diba? Ako yata nagdelete sa kanya basta nawala din sya sa list ko.

Friend No. 17“Sobrang sakit na hindi ko na kaya” yan ang huling post na nabasa ko sa kanya tapos nawala na sya sguro nagdeactivate sya o baka dinelete nya rin ako.

sa blogger fb hindi ko makuhang magdelete ng friend kahit gigil na gigil akong magcomment at iunfriend sila basta nakakagigil magmasid lalo na yong mga bloggers na may Identity Crisis na pinagdadaanan kailangan ng malaking pagunawa sa mga ganun kasi pinaglalabanan pa nila pero pacute naman ng pacute buti pa si Maximo alam yang nagdadalaga na sya.

Bago pa matapos ang post kong ito, balikan natin yong unang talata. Syempre matataranta ka pag may nagsabi sayo ng ganun kaso syempre hindi ka magpapahalata kasi mahina ang net connection nya hindi naman nya malalaman yon na natataranta ka kasi nga mahina naman ang net connection nya diba. tandaan ganun kaimportante ang net connection. Nakatingin ka lang sa screen ng computer mo nagtatalo isipan mo kung sasagutin mo ba o sasabihing si Dan Brown ang paborito mong author o sasabihin mong I love you too? o iignore mo na lang yong sinabi nya at sabihing sige out na muna ako mahina din kasi net connection ko.

Kumpisal

 maikling kwento  Comments Off
Jul 302012
 

Message: Kelan mo dadalawin si Father? last month pa sya dumating tinatanong ka nya kung kumusta ka na daw. at dahil masipag ako magreply ng text apat na araw pagkatapos lumapag ang mensahe, nagreply ako ng “sa sunday po after work pipilitin kong makadalaw.

Umuwi si Father last year dahil nagkasakit at kailangan nyang operahan. Hindi ako palasimbang tao, hindi din ako relihiyoso sa hindi maipaliwanag na kadahilanan basta lang mahirap ipaliwanag pero nag thathank you naman ako bago matulog at pagkagising sa umaga kay Papa Jesus. bilang na bilang ko ang pagpunta ko ng simbahan at pag pupunta ako sisiguraduhin kong walang misa, yong tahimik lang ako uupo sa isang sulok tapos lalabas na para bumili ng mga kakaning nasa labas ng simbahan. Nong pasko at bagong taon lang ako nakatapos ng isang misa at gawa pa sa latin naaliw ako makinig ng mass na gawa sa latin kaya ayon.

Mabalik tayo kay Father, pagdating ko may kausap syang isang babae na parang umiiyak ito lang yong nagustuhan ko dito sa paring ito napakahumble kahit gabing gabi na pag tinawagan mo sya na may problema yong isang kabayan magbibihis sya at pupuntahan nya talaga. Nagmano ako at sabi nya nagluto sya ng pesang isda kain na daw kami at gutom na sya at syempre pa pinagmalaki ng matandang pari ang luto nyang pesang lapu lapu. nagkwento sya ng tungkol sa naging operasyon nya at tungkol sa sakit nya. Hindi ka na raw nagsisimba o nadadalaw dito nong wala ako panimula ni father, at syempre pa buong giting kong pinagmalaki na nagsimba ako nong pasko at bagong taon tapos nangingiti syang nagbilang sa kamay.

so hindi ka na rin nakakapagkumpisal nyan..

nakakabinging katahimikan ang bumalot sakin, kinilabutan ako ate charo. sa madaling salita ito na…

“Bless me father, for I have sinned.” “My last good confession was … nablangko ako hindi ko maalala was… was…. father diko na po maalala eh ang nasabi ko na lang at isang “continue” ang narinig ko sa kabila. “I am sorry for these and all the sins of my past life, especially for … especially for… bakit wala akong maalalang kasalanan ko pambihira talaga! especially for… father pwede pong tagalog na lang? “continue” ang narinig ko. kinakabahan ako as in blangkong blangko ang isipan ko ang weird weird ng pakiramdam ko nanlalamig ako. kailangan kong eexamine ang konsensya ko ng mabilisan lang dahil naghihintay si father..ito ang list na kailangan mong eexamine ng konsensya mo bago ka magkumpisal…(imemorize mo dali baka itanong sa pakontest)

  • Did I receive Communion or other sacraments in the state of mortal sin? Did I intentionally fail to confess some mortal sin in my previous Confession?
  • Did I seriously doubt my faith or put myself in danger of losing my faith through readings hostile to Catholic teachings or involvement in non-Catholic sects? Did I engage in superstitious practices: palm-reading, fortune telling, etc.?
  • Did I take the name of God in vain? Did I curse, or take a false oath?
  • Did I miss Mass on Sundays or holy days of obligation through my own fault, without any serious reason? Did I keep fast and abstinence on the prescribed days?
  • Did I disobey my parents and lawful superiors in important matters?
  • Did I hate or quarrel with anyone, or desire revenge? Did I refuse to forgive? Did I hurt or cause to kill someone? Did I get drunk? Did I take illicit drugs? Did I consent to, recommend, advise or actively take part in an abortion?
  • Did I willfully look at indecent pictures or watch immoral movies? Did I read immoral books or magazines? Did I engage in impure jokes or conversations? Did I willfully entertain impure thoughts or feelings? Did I commit impure acts, alone or with others? Did I take contraceptive or abortifacient pills or use other artificial means in order to prevent contraception?
  • Did I steal or damage another’s property? Have I made reparation for the damages done? Have I been honest in my business relations?
  • Did I tell lies? Did I sin by calumny, or detraction telling the unknown grave faults of others without necessity, even if they are true? Did I judge others rashly in serious matters? Have I tried to make restitution for the bad reputation I caused?

Tatlo na kasalanan ang naikumpisal ko dahil nablablangko ako. nawala na yong ‘Did I refuse to forgive? sa tatlo na yon. Ang hirap magkumpisal pagkilala mo yong pari pambihira na yan! at ang isa pang mahirap don yong bigla bigla ka nalang pakukumpisalin ng hindi ka nakapaghanda. I hate biglaan talaga! pero yon umuwi ako ng may ngiti sa mga labi kahit pa ang weird weird ng pakiramdam ko na sinabihan si father na babalikan ko na lang ang iba pang nakalimutan kong kasalanan.

Naalala ko noon monthly kami magkumpisal at dumadayo pa talaga kami sa Ateneo noon sa Naga para puntahan namin yong paring Italiano, sobrang matanda na tong pari na to so pag nagkumpisal ka wala ng harang harang magkatabi kayo habang nangungumpisal ka at ito pa ang masaklap dahil hindi na sya makarinig ng malinaw kailangan mong isulat sa puting papel ang mga kasalanan mo bago ka umalis tapos ibibigay mo sa kanya mas mahirap at mas torture yon sinabi mo na isusulat mo pa.

Hindi ko na naman alam kung paano tatapusin ang post na to kaya ganito na lang.. Ikaw? Kelan ka huling nangumpisal? natatandaan mo pa ba? :D

 

 

 

Jul 092012
 

Kung balak mong lumaban at masungkit ang Super welterweight sa WBC at  Junior middleweight naman sa WBO na nagkakahalaga sa bigat na 154/69.9/11 st mag oatmeal cookies ka. Hindi ko gusto ang oatmeal cookies sa unang semester nito pero hindi naman ako napilitan na gustuhin ang cookies na ito. Hindi naman ako bumili ng sapatos na size 34 na hindi naman talaga sakto sa paa ko at dahil wala talaga yong sakto para sakin binili ko yong size 34 sa pagaakalang sa katagalan luluwag at  sasakto rin ito sakin hindi ganun ang naging hatol ko sa oatmeal cookies. parang ang layo ng pagkakakonek ko don sa dalawa. oo nga malayo nga pero okay na yan sabi nga “ang naisulat ay naisulat na” sabi nong isang base militar kay Poncio Pilato nong tinanong kung bakit ganun yong nakasulat.

Nutritionist si Ate Joy ang aming malupet na kusinera, pangalawang araw nya sa bahay nong binigyan nya ako ng form isulat ko daw don ang mga pagkaing allergy ako, kung nagdidiet ako at kung ano ano pa. sinabi ko lang na kailangan ko ng bewang na pumapatak sa sukat na 26 or 27 per square meter. Pangalawang araw ng makita kong abala siya sa pagbabake at unang araw na pinabaunan nya ako ng 3pcs na oatmeal cookies at pure orange juice para sa meryenda. Laging ganun ang naging routine ng baunan ko laging may oatmeal cookies at orange juice at paminsan minsan may fruits pakiramdam ko nagaaral ulit ako gawa ng baon ko.

Habang tumatagal hindi na nakakarating ang oatmeal cookies sa site, sa sasakyan pa lang ubos na at pagumuuwi ako dudukot ako sa malaking garapon kung saan don lang sya nakalagay saka ako papasok sa room ko hindi sya ganun kasarap pero may linamnam na kakaiba na sakto lang. Kani kanina lang ang dami dami kong naiisip tungkol sa oatmeal na ibloblog ko tapos bigla na lang nawala pambihira talaga naman ah dapat nauuna yong ‘naman’ sa talaga diba? parang ganito pambihira naman talaga!

Naiisip ko lang ano kaya pakiramdam nong secretary ng consultant namin na nakaboots ng hanggang tuhod sa temperatura na pumapatak sa 50 terawatt per second, katulad kaya ng nararamdaman ko ngayon na nakaclose neck akong damit sa gitna ng rumaragasang init? parehas kaya kami ng nararamdaman?

Gusto ko talaga magsulat ng patungkol sa Oatmeal cookies pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan hindi ko na maipagpatuloy ang magandang naumpisahan ko sa itaas patungkol dito.

Jun 242012
 

Halos isang buwan na akong may kasama sa kinatitirikan at sa wakas may nakasama na rin ako sa loob ng mahigit isang taon na pamamalagi sa 2bedroom + extra room kung may maid ka. Isang mag asawa at dalawang matitipunong arkitek na single, galing Korea. Seryoso ang mga bago kong kasama sa bahay, minsan lang ngumingiti at mahilig magbasa. Pero mukhang hindi naman sila yong mga tipong ipwepwesto ka sa isang sulok para kulutin ang bangs mo at kulayan ang pilikmata mo ng green sadyang mapuputi lang yata sila at maminkmink ang mga pisngi nila ayaw ko naman tanungin kung anong beauty regimen nila pero minsan gusto ko magtanong kung anong brand ang day at night cream nila, pero nong minsan nanonood sila ng Party Pilipinas panay ang puna nila kay Papa Aljur at kay Rocco Nacino naisip ko lang na ang tunay na lalake hindi mahilig sa artista lalo na siguro kung startruck batch galing ang mga ito. Natuwa ako na dumating sila dahil may instant na tagapagluto sa katauhan ni Ate Joy.

Naging sobrang busy ako nitong mga nakakaraang linggo pero may time parin ako para magbasa basa ng mga blog, pangpa wala ng stress ang magbasa ng blog ng may blog lalo na kung ang binabasa mong blog ginagamitan ng maraming kudlit pero mas mabuti na yong maraming kudlit kesa naman magbasa ka sa blog ko na walang tuldok pero ewan ko kung alin ang mas mainam don yong maraming kudlit o walang tuldok. nasa sayong mga kamay ang pagpapasya.

Magiisang buwan ng namamaga balikat ko, kasama ang likod pati braso. sabi nong PT na nag tretreat sakin kada sabado sobrang stress daw ako at pinagbawalan muna akong magyoga. Minsan naiisip ko padalhan ko ang sarili ko ng isang fanmail yong wpero maraming kudlit baka kahit papano maibsan nito ang pagkakaron ko ng sobrang stress at mawala na pamamaga ng balikat ko, o kaya naman gagawa ako ng isang tula made in tagalog yong malalalim na sa sobrang lalim kahit ako hindi ko maiintindihan.

Nanood ako ng International Philippines Independence nong isang araw, maraming mga kababayan ang sobrang proud na Pilipinas ang bansa nila pero parang ewan lang sinasabi nilang proud sila pero made in english naman ang mga lumalabas sa bibig nila ni hindi sila makapagsalita ng tagalog. usapang kalayaan at bayani muna tayo kaya hindi nagqualified si Lapu lapu at si Andres Bonifacio bilang national hero kasi kulang sila sa mga requirments, Si lapu lapu sa sobrang tagal ni hindi alam kung ano itsura nya at kahit halungkatin walang nakadokumentong ganun maski yata si King Philip hindi alam na nakikipagkita si Magellan sa Pilipinas ( di ako sure sa bintang kung ito). tapos, Si Andres Bonifacio naman may requirments naman sana, may sedula naman sana pinunit pa! so si Jose Rizal lang talaga yong nakadokumento lahat simula pagkapanganak hanggang mamatay pati mga babae nakadokumento.

Nong minsan pumunta ako ng pagawaan ng telepono kasi laging out of reach ang telepono kahit reachable naman ako, sa unahan ko may chinese na matanda na tinatadtad nya ng pinong pino si kabayan na nakakulot ang buhok sa dulo. paulit ulit na sinisisi ni lolang chinese si kabayan na kulot ang buhok sa dulo kung bakit walang chinese character ang LG na phone ang paliwanag ni Ate na halos kulang nalang kuhanin nya ang phone at padapuin sa ulo ni lolang chinese pero malumanay ang boses ni Ate yong pagkakasabi na ang kaya lang ioffer ng fone na binili nya na language ay english at arabic o kaya naman itry nya kung may internet sya or wifi idownload nya don naghesterical ang lolang chinese habang sumisigaw sya ng ” What wifi!? what wifi? tell me what wifi! explain it to me!

umalis ako sa pila, dahil hindi ko makayanang tingnan si kabayan habang halos lahat ng buhok nya na kanina lang ay dulo lang ang kulot pero ng dahil sa wifi pati anit nya parang nakukulot na rin pero kung ako si kabayan ganito sasabihin ko kay lolang chinese.

“Wifi is like your husband, many devices can connect to him as long as he is not secured. access point has a range of about 20 meters (65 feet) indoors and a greater range outdoors.

A Wi-Fi signal occupies five channels in the 2.4 GHz band. Any two channels numbers that differ by five or more, such as 2 and 7, do not overlap. The oft-repeated adage that channels 1, 6, and 11 are the only non-overlapping channels is, therefore, not accurate. Channels 1, 6, and 11 are the only group of three non-overlapping channels in the U.S.

Equivalent isotropically radiated power (EIRP) in the EU is limited to 20 dBm (100 mW).

The current ‘fastest’ norm, 802.11n, uses double the radio spectrum/bandwidth (40MHz) compared to 802.11a or 802.11g (20MHz). This means there can be only one 802.11n network on the 2.4 GHz band at a given location, without interference to/from other WLAN traffic. 802.11n can also be set to use 20MHz bandwidth only to prevent interference in dense community.

Wi-Fi networks have limited range. A typical wireless access point using 802.11b or 802.11g with a stock antenna might have a range of 32 m (120 ft) indoors and 95 m (300 ft) outdoors. IEEE 802.11n, however, can more than double the range.[39] Range also varies with frequency band. Wi-Fi in the 2.4 GHz frequency block has slightly better range than Wi-Fi in the 5 GHz frequency block which is used by 802.11a.

tapos hihimatayin si lolang chinese sa mga sinabi ko tapos di ko sya papansinin tapos sisigaw ako ng NEXT!

P.S.

Text: Ate Mayan, yong dalawang kalabaw nyo po naglayas kasama nong bagong baby kalabaw.

Ako: ah baka naman nakipagtanan, babalik myon pag buntis na ulit sya.

Text: eh hindi po eh kasi kakapanganak lang po non, nakawala lang po sa tali.

 

© 2013 SPHERE Suffusion theme by Sayontan Sinha